“sayang nman”, “nandito ka na, aalis ka pa”, ”ang daming gustong pumunta dito”, etccc..
yan ang mga katagang madalas pumapasok sa tainga ko!, hindi dadaan ang isang araw na hindi ko naririnig ang mga salitang yan.
OO! nakakapanghinayang talga, kasi sabi nga “andito ang opportunidad”, super nakakapanghinayang kasi nga ang hirap pumunta sa mga ganitong klaseng bansa! Pati din naman ako nanghihinayang eh! hindi lang kayo o sila
Pero andito na! may final decision na kumbaga, uuwe kami ng PINAS!! pero bakit parang eto na ang last chance para sakin! bakit parang tila “its a matter of life and death?”.
UULITIN KO! BATA PA KO, marami pang chance na nagaantay sakin sa maraming bagay! at ang paguwe ng pinas ay ndi ibig sabihin na wala na kong pag-asa sa buhay at hindi na uunlad! siguro nga, ndi ako talaga uunlad sa PINAS kasi mahirap nga nman talaga ang buhay! pero alam ko sa sarili ko na uunlad ang personalidad ko at ang mga kaalaman ko! Hindi naman din kasi magandang padalos-dalos ng desisyon at pumasok agad sa isang bagay na alam kong hindi ako magiging masaya! sabi nga sa isang kanta”one step at a time”
sabi nga sa isang verse sa bible “do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself, each day has enough trouble of its own (matthew 6:25-34).
Hindi sana natingawin isang REGRET ang pag uwe ko ng PINAS dahil naniniwala ako na nasa tamang oras ang lahat at alam ni God kung anu ang magandang bagay para sakin!
hindi ito ang last chance para sakin para makapagabroad o sa iba pang bagay! dahil alam kong marami pang opportunidad na nanghihintay sakin!
uulitin ko! bata pa ko at madami pa kong magagawa!! hindi dapat minamadali ang lahat ng bagay!